2 miyembro ng NPA, patay sa magkahiwalay na sagupaan sa Eastern Mindanao

Nasawi ang isang high ranking member ng New People’s Army (NPA) at isa pang regular member ng NPA sa magkahiwalay na operasyon ng tropa ng militar sa Eastern Mindanao.

Ayon kay Major Alex Mindalano, tagapagsalita ng Eastern Mindanao Command ang nasawing high rangking member ng NPA ay kinilalang si Asyong, Vice Commander at Political Officer ng SYP Platoon 16C1, Guerrilla Front 16, North Eastern Mindanao Regional Committee (NEMRC).

Nasawi ito sa pakikipagsagupa sa mga sundalo sa Barangay Cagdianao, Claver, Surigao del Norte kung saan nagtagal ng 15 minuto ang bakbakan at nakuha ng militar sa encounter site ang dalawang Ak47 rifles at isang M14 rifle na may magazine at bandliers.


Habang ang isa pang miyembro ng NPA na nasawi ay si Aldo Higyawan alias Ramon ng Platoon Ryan, SRC1, North Central Mindanao Regional Committee.

Siya ay namatay sa sagupaan sa Barangay Lawaan, Gingoog City at narekober sa pinangyarihan ng sagupaan ang dalawang M16 rifles, isang M14 rifle, mga medical paraphernalia, at iba pang war materials at dokumento.

Facebook Comments