MANILA – Naniniwala si Foreign Affairs Secretary Perfecto Yasay na nauunawaan ng pamahalaan ng India ang utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na habulin ang mga Indian nationals sa bansa na nagpapautang ng 5-6 sa mahihirap.Ayon kay Yasay – nakausap na niya ang ambassador designate ng India at nagkaintindihan sila na usapin ito sa bansa.Partikular sa ilang Indian national na sinasabing nagsasamantala sa mga mahihirap dahil sa pagpapautang ng may malaking tubo.Anya, ipinaunawa niya na ipinatutupad ang batas sa bansa laban sa pananamantala ng mga ito na bukod sa labis na tubo ay ilegal din ang pagpapautang.
Facebook Comments