Utos ni PBBM na isama sa flag ceremony ang “Bagong Pilipinas Hymn and Pledge,” binatikos ng isang kongresista

Mariing binatikos ni House Deputy Minority Leader and ACT Teachers Party-list Rep. France Castro ang detiktiba ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos’ Jr., na isama sa weekly flag ceremonies ng mga ahensya ng gobyerno at state universities and colleges ang “Bagong Pilipinas Hymn and Pledge.”

Giit ni Castro kay Pangulong Marcos, bawiin ang inilabas niyang Memorandum Circular No. 52 hinggil dito na self-serving at nagpapakita sa bakas ng Martial Law na ipinatupad ng kanyang ama.

Ayon kay Castro, sa halip na ganitong mga gimik ang ginagawa, dapat ay mas inilalaan na lang sana ng administrasyong Marcos ang oras nito para pag-isipan at aksyunan kung paano solusyunan ang mga problema ng mamamayan.


Pangunahing binanggit ni Castro ng pagtaas ng sahod, pagpapababa ng presyo ng mga bilihin, pagtulong sa mga driver at operator na huwag mawalan ng hanapbuhay at paglikha ng mga kalidad at regular na trabaho sa bansa.

Facebook Comments