Isang 75-year old na lalaki mula Hertfordshire, England ang inireklamo ng kanyang kapitbahay dahil sa lakas daw nitong umutot!
Hapon ng Linggo, nagulat raw si Colin Mitchell nang may dumating na mga pulis sa kanyang bahay.
Base sa Reklamo ng kapitbahay nilang babae, lagi raw siyang may naririnig na malakas na utot sa tuwing dumadaan siya sa tapat ng bahay nina Colin.
Nainsulto raw ang complainant dahil parang sinasadya ito ni Colin.
Pero sabi ni Colin, hindi utot ang naririning ng kanyang kapitbahay kundi ang fart machine na laruan ng 3-year old niyang apo na si Charlie.
Ang fart machine ay parang mini electric fan pero sa halip na hangin, nagpo-produce ito ng iba’t ibang tunog ng utot gamit ang maliit na remote.
Facebook Comments