Manila, Philippines – Manila, Philippines – Sisimulan nang i-monitor ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang daloy ng trapiko, flood at disaster management sa pamamagitanng drone.
Ayon kay MMDA Task Force Special Operation Commander Bong Nebrija, makatutulong ang apat na drones sa traffic monitoring ng pagbubukas ng klase at flood management sa pagpasok ng tag-ulan.
May kakayahan din ang mga nasabing drone na manatili sa ere nang 20 hanggang 30 minuto kung saan makalipad ito ng hanggang 400 feet at seven kilometers range.
Nabatid na nagkakahalaga ang tatlong drones ng tig-100,000 piso habang ang isa ay nasa 400,000 piso at i-o-operate mula sa MMDA Metro Base ng labindalawang personnel.
Facebook Comments