‘Uupo ka na lang at iiyak’ pakulo ng isang punerarya, mabenta sa netizens

143
Photo by Erwin Triviño on Facebook

Mahal mamatay, ika nga nila.

Hindi biro ang gastusin mula sa ilang araw na burol hanggang sa pagpapalibing.


Kaya sino bang hindi maaakit sa “all in” promo na pangangakuan ka ng hassle-free na funeral service?

Mabenta sa netizens ang marketing strategy ng isang punerarya sa Naic, Cavite, dahil sa tagline nito na kahit papaano’y magpapagaan ng loob ng mga naiwang kamag-anak.

Sa Facebook post ni Erwin Triviño, ibinahagi niya ang larawan ng nakapaskil na service offer ng Nazareno-Tanega Funeral Homes na may pahabol sa dulo na “uupo ka na lang at iiyak.”

Wala nang iintindihin pa ang naiwang kaanak dahil kasama na raw sa package ng punerarya ang half glass casket, kandila, bulaklak, upuan, lamesa, tent, barong o gown at karo.

On a serious note, abot-kaya at makatutulong sa mga kapos sa budget ang alok na serbisyo ng punerarya.

Bumenta naman sa netizens ang gimik na ito at may ilan pang sinakyan ang tagline gaya ng Facebook user na si Carla De Jesus na nagsabing, “at least, makaka-concentrate ka sa pag-iyak!”

Facebook Comments

From Advertisers