Bagong bukas na villa sa Maynila, 500k per night ang rate

181
Image via Okada Manila

Tampok ngayon sa Okada Manila ang kanilang bagong villa na nagkakahalagang P500,000 kada gabi.

Matatamasa ng mga bisita ang sumusunod na amenities ng 1,400 square-meter villas:


  • 16-seater dining room with gym, bar, spa with sauna, at entertainment room
  • bathroom with bathtubs each
  • five bedroom
  • big outdoor space with swimming pool at jet tub

Tinuturing pinakamahal na kuwarto ang bagong pasilidad ng sikat na hotel. Matatagpuan ito sa 3rd floor ng Pearl Wing.

Ayon sa pamunuan ng Okada Manila, introductory promo nila ang P500,000. Ang published rates ng villas ay P800,000 mula Lunes hanggang at Biyernes at pagdating ng Sabado at Linggo, ito ay aabot sa 1 million pesos.

Ipinangalan sa paboritong lugar ng mga bakasyunista ang tatlong villas – Cebu, El Nido, and Coron.

Mayroon din 24 oras na butler service, private chef, Roberto Cavalli toiletriues at DigiValet system.

Puwede din pumunta sa casino at gamitin ang parking lot ng sinuman gusto magbakasyon sa villa.

Facebook Comments

From Advertisers