Manila, Philippines – Inihayag ng Palasyo ng Malacañang na maglalabas sila ng official statement kaugnay sa naging desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na umuwi ng Pilipinas ng mas maaga at hindi na daluhan ang mga aktibidad sa ikalawang araw ng Asia Pacific Economic Cooperation o APEC Summit sa Papua New Guinea.
Ayon kay Presidential Spokesman at Chief Presidential Legal Counsel Secretary Salvador Panelo, ngayong araw ay ipaliliwanag niya ang dahilan kung bakit uuwi ang Pangulo bukas ng madaling araw sa Davao City at si Trade Secretary Ramon Lopez nalang ang padadaluhin nito sa mga aktibidad na sana ay dadaluhan ng Pangulo.
Pasado 11 mamayang gabi sa halip na bukas pa sana ng hapon aalis ang Pangulo ng Papua New Guinea pabalik ng Davao City habang nakalagay na din sa advisory na galing sa Malacañang ay wala na itong gagawin arrival speech.
Lumalabas din naman sa mga bulungan na ang dahilan ng pag-uwi ni Pangulong Duterte ay kailangan itong maghanda para sa pagdating ni Chinese President Xi Jinping sa bansa sa susunod na linggo.