UUWI NA | Senator Trillanes, uuwi na bukas

Manila, Philippines – Bukas ng umaga ay uuwi na si Senator Antonio Trillanes IV matapos ang mahigit tatlong linggong pananatili sa Senado simula noong September 3.

Ito ay makaraang ipagpaliban ni Makati Regional Trial Court Branch 148 judge Andres Soriano ang pagdedesisyon sa hiling ng Dept. of Justice na Hold Departure Order at arrest warrant laban kay Trillanes.

Ayon kay Trillanes, ang pasya ni Judge Soriano ay isang liwanag sa buong kadiliman na nangyayari sa bansa natin ngayon.


Diin ni Trillanes, itinuturing niya itong tagumpay ngayong araw na ito at umaasa na ito ay magtutuloy tuloy na.

Pinuri ni Trillanes ang ipinakitang tapang at integridad ni judge Soriano na nanindigan sa tama at nararapat.

Pinasalamatan din ni Trillanes, ang lahat ng mga taga suporta niyang nanalangin, ang kanyang mga kaibigan, pamilya, kalayado gayundin si Senate President Tito Sotto III, mga senador at emplyeado ng Senado.

Facebook Comments