Tututukan ngayon ang mga uuwing Overseas Filipino Worker (OFW) at mga Balikbayan sa Pangasinan, ito ay bilang paghahanda ng Pamahalaang Panlalawigan ng Pangasinan laban sa banta ng “Omicron Variant” ng COVID-19.
Ayon kay Provincial Health Officer Dr. Anna De Guzman, bagamat pangunahing nakatutok ang pamahalaan sa mga galing sa ibang bansa ay hindi naman naisasantabi ang mga kababayang mula sa loob ng bansa.
Kabilang na aniya ito sa kanilang natalakay sa isinagawang pulong ng Provincial Inter Agency Task Force (IATF) para mas mapa-igting ang COVID-19 Response ng Pangasinan.
Kailangan aniyang handa at alam ng lahat lalo na ang mga nakatalaga sa Control Border Checkpoint ang kanilang dapat gawin kapag mayroong mga OFW at Balikbayang uuwi ngayon sa Pangasinan para masigurong sila ay ligtas mula sa “Omicron variant”. | ifmnews