UV driver, patay matapos pagbabarilin sa Quezon City

Quezon City – Patay ang UV express operator at driver matapos pagbabarilin sa Sto. Nino St. Barangay San Antonio, Quezon City.

Kinilala ang biktimang si Matias Puya, 40-anyos, chairman ng operatiba ng UV express sa Quezon City,

Nagtamo ng mga tama ng bala sa ulo at dibdib ang biktima na naging dahilan ng agaran nitong pagkamatay.


Ayon sa saksi isang riding in tandem ang nakita niyang namaril sa biktima.

Inaalam na ng awtoridad kung may kinalaman sa asosasyon ang motibo ng krimen.

Facebook Comments