Kano – arestado matapos manghipo ng babae sa loob ng sinehan sa Quezon City

Quezon City – Arestado ang isang Amerikano dahil sa panghihipo umano ng isang babae sa loob ng sinehan sa isang mall sa Quezon City.

Nakilala ang Amerikano na si Joseph Martin Mcmillan, 31-anyos at anim na buwan nang nasa bansa.

Ayon sa Quezon City Police District (QCPD) Criminal Investigation And Detection Unit, nasa loob ng sinehan ang babae katabi ang kanyang asawa nang biglang hawakan ng suspek sa kabilang upuan ang kanyang hita.


Dahil dito nakipagpalit ng upuan ang asawa pero nagkakomosyon nang ayaw alisin ni Mcmillan ang braso nito ng nakapatong sa upuan ng asawa.

Ayon sa mag-asawa, imbes na alisin ang kanyang braso ay sinuntok nito ang asawang lalaki.

Dinala si Mcmillan sa QCPD station 2 at inilipat sa QCPD headquarters sa Camp Caringal.

Itinanggi naman ng Amerikano ang panghihipo sa babae at iginiit na hindi siya nakainom nang mangyari ang insidente.

Facebook Comments