UV Express units, hindi pa patatakbuhin bukas

Hindi pa papayagang makapamasada bukas ang mga UV Express.

Matatandaang sinabi ng Department of Transportation (DOTr) na nasa 3,600 bus at 1,500 modern jeepney at UV Express units ang papayagang pumasada bukas sa Metro Manila.

Ayon kay Road Sector Consultant Alberto Suansing, inaayos pa ng DOTr ang kanilang mga ruta.


Dapat aniya na mag-operate point-to-point ang mga UV Express.

Habang patatakbuhin na bukas ang mga modern jeepneys.

Gayunman, bawal pa rin sa kalsada ang mga tradisyunal na pampasaherong jeep pero naghahanap na rin ang DOTr ng mga ruta para rito.

Patuloy ding pinag-aaralan ng Inter-Agency Task Force (IATF) kung papayagan na ang back riding sa motorsiklo.

Facebook Comments