Manila, Philippines – Bumalik na sa kani-kanilang tahanan ang lahat ng mga evacuees sa Marikina City makaraang bumaba na sa normal ang lebel ng tubig sa Marikina River.
Ayon kay Mayor Marcy Teodoro, kahapon hanggang kagabi ay nagsipagbalikan na ang nasa halos dalawang libong residente sa kani-kanilang mga tahanan makaraang lumikas dahil sa walang tigil na pag-ulan at pagbaha nitong mga nakalipas na araw.
Sinabi pa ni Teodoro na pinabaunan din nila ng gamot kontra leptospirosis o doxycycline ang mga nagsiuwiang residente.
Matatandaang umabot sa 427 families o 2,154 individuals ang inilikas sa 7 evacuation areas sa lungsod.
Sa ngayon, nasa 14.2 meters na ang water level sa Marikina River.
Balik na rin sa normal ang klase sa lahat ng antas sa lungsod.