VACC, dudulog kay Pangulong Duterte para i-aappoint ulit si Gina Lopez sa DENR matapos ang naging desisyon ng Commission on Appointments

Manila, Philippines – Kinondena ng VolunteersAgainst Crime and Corruption (VACC) ang hindi pagkumpirma ng Commission on Appointments(CA) kay Gina Lopez bilang kalihim ng Dept. of Environment and NaturalResources (DENR).
 
Unang narinig sa interview ng RMN kay VACC FoundingChairman Dante Jimenez, iginit nito na inuuna lamang ng mga mambabatas angkanilang pansariling interes kaysa sa pagpapahalaga sa kalikasan.
 
 
Naniniwala rin si Jimenez na nakinabang angmga bumotong tutol sa kumpirmasyon ni Lopez sa mga mining companies.
 
Maituturing aniya itong ‘utang na loob’ nila sa ibinigay na suporta ng mgakumpanya nitong nakaraang halalan.
 
Dahil dito, balak na ni Jimenez na idulog itokay Pangulong Rodrigo Duterte para baligtarin ang desisyon ng C-A at ipanawagangpanatiliin sa pwesto si Lopez.
Samantala, plano rin ng VACC na bumuo ngisang malawakan at malakihang people movement para isigaw sa buong bansa angpagkadismaya sa nasabing desisyon.
 
 

Facebook Comments