MANILA, PHILIPPINES – Hinamon ni Senator Leila De lima ang Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) na sampahan din ng kaso si Pangulong Rodrigo Duterte.
Sa kanyang press conference kaninang umaga, sinabi ni De Lima na lantaran na nga ang mga ebidensya laban sa Pangulo, pero pinapabayaan lang ito ng VACC.
Maliban dito ay hinimok din ni De Lima ang mga miyembro ng Gabinete na magka-isa para ideklarang “unfit” si pangulong Duterte bilang Presidente ng Pilipinas.
Sa harap na rin ito ng biglaang pagbaliktad ni retired SPO3 Arthur Lascañas, isa sa team leader ng Davao Death Squad.
Matatandaang kahapon ay binawi ni Lascañas ang mga nauna niyang pahayag sa senado na walang DDS at hindi rin totoo na inuutusan sila ni Pangulong Duterte, na noo’y mayor pa lang ng Davao City na pumatay.
Pero sa kabila nito, minaliit naman ng Cabinet members ang mga pahayag ni De Lima.