MANILA – Hindi kumbinsido ang Volunteers Against Crime and Corruption sa resulta ng imbestigasyon ng otoridad sa pagkamatay ng 15-anyos na dalagita na natamaan ng ligaw na bala sa pagsalubong ng bagong taon sa Malabon City.Ayon sa anti-crime group – hindi kapanipaniwala ang resulta ng imbestigasyon ng malabon-pnp dahil sa hindi magkakatugmang pahayag ng mga testigo sa pagkakabaril sa biktimang si Emilyn Villanueva-Calano.Naniniwala ang grupo na posibleng na “railroad” ng Malabon-PNP ang imbestigasyon sa kaso ng dalagita para masabing na-abot ang itinakdang deadline ni PNP Chief Dir. Gen. Ronald Dela Rosa.Una na kasing nagbanta si Dela Rosa na sisibakin ang hepe ng Malabon-PNP kung hindi mareresolba ang kaso ni Calano sa loob ng 24-oras.Batay sa finding ng PNP-Malabon, hindi biktima ng stray bullet kundi away magkapitbahay ang dahilan ng pagkamatay ni Calano matapos itong tamaan ng bala ng baril sa ulo habang nanunuod ng fireworks display sa labas ng kanilang bahay sa pagsalubong ng bagong taon.
Vacc, Hindi Kumbinsido Sa Resulta Ng Imbestigasyon Ng Otoridad Sa Pagkamatay Ng 15-Anyos Na Dalagita Na Natamaan Ng Liga
Facebook Comments