VACC, makukuha na ngayong araw ang mga dokumento para sa impeachment complaint laban kay Chief Justice Maria Lourdes Sereno

Manila, Philippines – Nakatakdang tanggapin ngayong araw ng Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) ang mga dokumentong tatayong basehan ng kanilang impeachment complaint laban kay Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Ito’y kaugnay sa mga kwestyonableng hakbang ni Sereno na hindi dumaan sa Supreme Court En Banc.

Sa interview ng RMN kay Chairman Dante Jimenez – dahil sa may matibay na silang ebidensya, madali na lamang makakuha ng endorso mula sa kongreso.


Pero ipinanawagan din ni Jimenez na magbitiw na lang sa pwesto si Sereno para hindi na humaba pa ang isyu.

Matatandaang anim lang sa pitong dokumentong hiniling ng VACC ang pinayagang ilabas ng korte.

Hindi pinagbigyan ng korte na inilabas ang resolusyon ni Justice Teresita Leonardo-de Castro noong July 10 kung saan kumukwestyon sa ilang administrative order ni Sereno tungkol sa appointment ni Atty. Brenda Mendoza bilang hepe ng Philippine Mediation Center.

Kasama na rin dito ang mga foreign travel, allowance grant kay Atty. Ma. Lourdes Oliveros at ilang travel expenses ng staff ng Office of the Chief Justice na walang basbas ng mga mahistrado.

Facebook Comments