Unang Balita sa Unang Radyo Anchors ng DZXL 558 RMN Manila, tatanggap ng parangal mula sa VACC

Manila, Philippines – Bibigyan ng parangal ng Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) ang mga anchors ng Unang Balita sa Unang Radyo (UBUR) ng DZXL 558 RMN Manila.

Kinilala ng VACC sina kasamang Lourdes Escaros at Ajay Delos Reyes dahil sa kanilang kontribusyon sa pagbabantay ng korapsyon at krimen sa bansa.

Ang parangal ay ibibigay sa Palasyo ng Malakanyang sa Agosto 16 kasabay ng 19th anniversary ng VACC.


Ang programang UBUR ay mapapakinggan tuwing alas-4:00 hanggang alas-6:00 ng umaga sa DZXL 558 RMN Manila.

Facebook Comments