VACC, pinag-aaralan pa ang pagsasampa ng impeachment laban kay Ombudsman Conchita Carpio – Morales

Manila, Philippines – Pinag-aaralan pa ng Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) na paghahain ng impeachment complaint labay kay Ombudsman Conchita Carpio-Morales.

Paliwanag ni VACC Chairman Dante Jimenez, wala pa kasing nag-endorso sa plano nilang impeachment.

Ayon kay Jimenez, ang naging pahayag ni Pangulong Duterte sa nasabing usapin ay pagpapakita lamang na totoo ang kanilang mga sinasabi.


Ang reklamo ng VACC ay nag-ugat sa usad-pagong na mga kaso sa Ombudsman partikular na dito ang pagpapawalang sala ni Morales kay dating Pangulong Noynoy Aquino sa kontrobersyal na Disbursement Acceleration Program (DAP) gayundin ang kaso ng mamasapano massacre kung saan namatay ang tinaguriang 44 SAF commandos.

Facebook Comments