Vaccination activities at pamamahagi ng ayuda, posibleng “super spreader” ng COVID-19 – DOH

Naniniwala ang Department of Health (DOH) na dapat magpatupad ang mga Local Government Units (LGUs) ng maayos na schedule sa distribusyon ng ayuda at pagsasagawa ng pagbabakuna.

Ito ay upang maiwasan ang pagdagsa ng mga tao sa mga venue.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, ang mga ganitong aktibidad ay posibleng maging “super spreader” ng COVID-19.


Ipinagbigay alam na nila ito sa Department of Interior and Local Government (DILG) at sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

Sinabi rin ni Vergeire na wala pa silang nakikitang pagbaba ng COVID-19 cases sa bansa sa kabila ng pagpapatupad ng mahigpit na lockdown sa Metro Manila at mga kalapit na probinsya.

Ang super spreader event ay isang kaganapan kung saan ang isang nakakahawang sakit ay mabilis na kumakalat.

Facebook Comments