Vaccination bus ng Taguig, muling aarangkada ngayong araw

Muling gugulong ngayong araw ang mobile COVID-19 vaccination bus ng Taguig.

Ayon kay Officer-in-Charge for the Taguig City Public Information Office Maricar Brizuela, muling iikot ang vaccination bus at sa pagkakataong ito ay ilalagay sa Tenement sa Western Bicutan.

Inaasahang tatanggap ito ng abot sa 200 vaccinees mula 1:00pm hanggang 5:00pm.


Sa pamamagitan ng vaccination bus, inaasahang mas magkakaroon ng madaling access ang publiko sa bakuna kontra COVID-19 at maabot maging ang mga nasa liblib na lugar at mga walang kakayahang umalis para magpabakuna.

Para matiyak na mapapanatili pa rin ang minimum health protocols, ang registration, screening, at post-vaccination monitoring ay gagawin sa labas ng vaccination bus habang ang counseling at vaccination ay sa loob gagawin.

Facebook Comments