Pansamantalang isasara ang mga vaccination center ng lungsod ng Muntinlupa ng tatlong araw simula ngayong araw hanggang April 18.
Ang lungsod ng Muntinlupa ay mayroong 19 vaccination centers na public school at isang private school.
Batay sa inilibas nilang abiso, magsasagawa ng pag-imbentaryo ng mga bakuna laban sa COVID-19 at pagsasaayos ng mga datos nito.
Nakasaad din sa kanilang abiso na magsasagawa rin ng paglilinis at full disinfection sa bawat vaccination center ng lungsod upang mapanatili ang kalinisan at masiguro ang kaligtasan ng lahat.
Ayon sa pamahalaang lungsod ng Muntinlupa, antabayanan ang mga susunod na skedyul ng kanilang vaccination centers na ipo-post sa kanilang official Facebook page.
Samantala, maaari naman makipag-ugnayan sa kanilang COVID-19 hotline kaugnay sa COVID concerns sa cellphone number 0977-240-5218 at Muntinlupa emergency hotline na 137-175 at 0977-240-5217.