Vaccination certificate ng ilan pang mga bansa, kinikilala na sa Pilipinas

Inaprubahan na ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang rekomendasyon ng Department of Foreign Affairs (DFA) na tanggapin o kilalanin ang national COVID-19 vaccination certificate ng Argentina, Brunei Darussalam, Cambodia, Chile, Denmark, Ecuador, Indonesia, Myanmar, Papua New Guinea, Peru, Portugal, Spain, Azerbaijan, Macau at Syria.

Ayon kay acting Presidential Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Alexei Nograles ay para sa arrival quarantine protocols at interzonal o intrazonal movement ng mga biyaherong magmumula sa mga nabanggit na bansa.

Matatandaan na una na ring kinikilala ng Pilipinas ang proof of vaccination ng mga bansang Austria, Kazakhstan, Singapore, UAE, Armenia, Belgium, Canada, France, Germany, Kuwait, New Zealand, Sri Lanka, Thailand, Estados Unidos, Oman, Colombia, Iraq, Monaco, Italy, Tunisia, Vietnam, Brazil, Israel, South Korea, at Timor Leste.


Kaugnay nito, inatasan ang Bureau of Quarantine, Department of Transportation at Bureau of Immigration na kilalanin lamang ang mga proof of vaccination na inaprubahan ng IATF.

Facebook Comments