Bagong COA chair, itinalaga ni PRRD

Itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si Rizalina Justol, bilang bagong Chairperson ng Commission on Audit (COA).

Ayon kay acting Presidential Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Alexi Nograles, pirmado ng pangulo ang appointment paper nitong ika-17 ng Pebrero, 2022.

Aniya, makakaasa ang bagong talagang opisyal ng buong suporta ng pamahalaan sa mga hakbang ng COA upang matiyak ang transparency at accountability sa paggamit ng pondo ng pamahalaan.


Si Justol ay dati nang nagsilbi bilang Deputy Executive Secretary for Finance and Administration sa ilalim ng Office of the President.

Papalitan nito ang binakanteng pwesto ni Chair Michael Aguinaldo na nagtapos ang termino noong ikalawa ng Pebrero.

Si Justol ay matatandaang naharap sa malversation charges dahil sa umano’y maling paggamit ng ₱2.93 billion public funds noong 2003-2006.

Facebook Comments