Vaccination certificates ng 2 bansa, kinikilala na rin sa Pilipinas

Inaprubahan na ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang rekomendasyon ng Department of Foreign Affairs (DFA) na tanggapin o kilalanin ang national COVID-19 vaccination certificate ng Lao Peoples Democratic Republic at Rwanda.

Ayon kay acting Presidential Spokesperson at PCOO Sec. Martin Andanar ito ay para sa arrival quarantine protocols at interzonal o intrazonal movement ng mga biyaherong magmumula sa mga nabanggit na bansa.

Dagdag ang dalawang nabanggit na bansa sa naunang higit 70 mga bansa sa mundo na aprubado na rin ng IATF para tanggapin at kilalanin dito sa bansa.


Kaugnay nito, inatasan ang Bureau of Quarantine (BOQ), Department of Transportation (DOTr) at Bureau of Immigration (BI) na kilalanin lamang ang mga proof of vaccination na inaprubahan ng IATF.

Facebook Comments