WATER RESERVOIR, IPINAGKALOOB SA MGA RESIDENTE NG ISANG BARANGAY SA PINUKPUK, KALINGA

Cauayan City, Isabela- Ipinasakamay ng kapulisan ang bagong gawang concrete water reservoir sa mga mamamayan ng Brgy. Asibanglan, Pinukpuk, Kalinga kahapon, April 28,2022.

Ito ay bahagi ng pagiging 1st Kalinga Provincial Mobile Force Company’s Best Practice “Project Kabadang”.

Ayon sa PNP 1ST PMFC, ang naturang proyekto ay sama-samang pagsisikap ng PNO at stakeholders sa pamamagitan ng tulong ni PRO2 Regional Director PBGen. Steve Ludan at ang boluntaryong kontribusyon at inisyatibo ng 1st Kalinga PMFC personnel kasama ang Company Advisory Council members at aktibong partisipasyon ng mga residente ng naturang barangay sa kabila ng matagumpay na konstruksyon ng water reservoir sa Asibanglan Elementary School.

Tumagal nang ilang buwan sa pagpaplano at pagkumpleto sa naturang proyekto dahil naging pahirapan din ang paglikom ng pondo para rito.

Nagpasalamat naman si PMAJ. Shameral Banag, Deputy Force Commander, 1st KPMFC sa suporta at ang mga nakiisa sa konstruksyon ng water reservoir at umaasang may mga karagdagan pang proyekto na magbebenepisyo ang komunidad.

Facebook Comments