Vaccination drive ng QC-LGU, pinalawak; pakikipag-partner sa pribadong sektor, paiigtingin pa

7,095 indibidwal kada araw ang kayang bakunahan sa lungsod ng Quezon.

Ito’y dahil sa mga karagdagang vaccination sites na binuksan ng pamahalaang lokal sa tulong ng pribadong sektor.

Nasa 35 vaccination sites na ang nakakalat sa anim na distrito sa lungsod.


Ito’y lagpas na sa orihinal na 24 na venues na unang tinukoy ng Local Government Unit (LGU).

Nitong nakalipas na araw umabot pa sa 8,574 ang nabakunahan na pinakamataas na ang bilang.

Sa ngayon, mahigit sa 229,500 doses ng bakuna ang naibigay na ng national government sa lungsod.

Kabuuang 158,293 na mga frontliners, senior citizens at mga indibidwal na may comorbidities na nasa A1,A2 at A3 priority groups ang tapos nang mabakunahan sa lungsod.

Facebook Comments