Vaccination, posibleng isama sa job requirement ng mga foreign employers – DOLE

Posibleng gawing requirement na rin ng mga host countries para sa mga migrant workers ang COVID-19 vaccination bago nila i-hire ang mga manggagawa.

Si Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Silvestre Bello III ay nakikipag-usap na sa mga opisyal ng United Kingdom at Germany para sa procurement ng COVID vaccines na gagamitin para sa Overseas Filipino Workers (OFWs).

Ayon kay Labor Director Alice Visperas, wala pang opisyal na listahan ng mga bansang isasama ang vaccination sa kanilang requirements.


Nais ng mga foreign employers na nabakunahan na sa COVID-19 ang mga tatanggapin nilang manggagawa.

Bagama’t hindi pa nailulunsad ang immunization program sa bansa, tiwala si Visperas na hindi ito magiging balakid sa mga OFWs na mayroong magandang reputasyon sa mga banyagang employers.

Facebook Comments