VACCINATION RATE SA CAUAYAN CITY, MAHIGIT 90 PORSYENTO NA

Cauayan City, Isabela- Nasa mahigit siyamnapung porsyento na ang naabot na vaccination rate sa Lungsod ng Cauayan mula nang gumulong ang vaccination rollout dito sa Lalawigan ng Isabela.

Ayon kay Errol Maximo, ang head education and Promotion Officer ng CHO Cauayan City, lagpas 90 porsyento na aniya ang mga nabakunahan ng first dose ng covid vaccine sa total population ng Lungsod ng Cauayan.

Malapit na rin aniyang maabot ng Cauayan City ang target vaccination rate na 95 percent sa populasyon ang ma-fully vaccinated.

Kanyang sinabi na may labing isang libo pa na indibidwal sa Lungsod ang kanilang hinahanap at kailangang mabakunan kontra covid 19 para maabot ang inaasam na 95 porsyento na mga fully vaccinated.

Kaugnay nito, patuloy pa rin ang ginagawang paghikayat ng lokal na pamahalaan ng Cauayan sa mga di pa bakunado na magtungo sa mga vaccination sites para mabigyan ng proteksyon sa sarili laban sa Covid-19.

Sisikapin din daw ng CHO Cauayan na mabakunahan lahat ng mga Cauayenyo na pasok sa priority group ganun na rin sa mga batang edad lima (5) hanggang labing isa (11).

Samantala, sa unang bugso ng resbakuna kids sa Lungsod ng Cauayan ay wala namang naiulat na may masamang nangyari sa mga bata matapos matanggap ang kanilang bakuna na kung saan ay tinatayang aabot sa halos limang daan na mga batang may edad lima hanggang labing isa ang nabakunahan ng Pfizer.

Inaalam rin ng CHO sa kasalukuyan kung ilan na ang kabuuang bilang ng mga nabakunahan ng covid vaccines sa ginagawa pa ring vaccination rollout dito sa Lungsod ng Cauayan.

Facebook Comments