Vaccination rate sa NCR, umabot na sa 80 percent

Umabot na sa 80% ng populasyon ng National Capital Region (NCR) ang nakakumpleto na ng bakuna laban sa COVID-19.

Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni Metro Manila Council (MMC) Chairman at Paranaque City Mayor Edwin Olivarez, target ng MMC na bakunahan ang natitirang 20% hanggang Nobyembre.

Aniya, halos lahat ng Local Government Units (LGUs) sa NCR ay nakapagbakuna na ng aabot sa 70 percent ng kanilang target population.


Hanggang nitong October 11, nakapagturok na ang bansa ng 50,066,590 doses ng COVID-19 vaccines.

Habang umaabot na sa 26,706,101 indibidwal ang fully vaccinated na sa buong bansa.

Facebook Comments