Vaccination Registration Portal ng San Juan City, bukas na ulit sa publiko

Kinumpirma ng Pamahalaang Lungsod ng San Juan na pwede na muling ma-access ang online registration para sa kanilang COVID-19 vaccination program.

Kamakailan, nag-abiso ang lungsod na magsasagawa sila ng maintenance and system update sa kanilang online Vaccination Registration Portal.

Kabilang sa ginawang update ay ang pagdagdag ng mekanismo para sa A4 category sa COVID-19 Registration Portal kung saan ay kinakailangang piliin at ideklara ng sinumang magrerehistro kung sila ay A4 resident o non-resident ng lungsod.


Hinimok naman ng pamahalaang lungsod ng San Juan ang publiko na magparehistro at makiisa sa kanilang vaccination program upang tuluyan nang makamit ng lungsod ang zero COVID-19 case.

Samantala, as of June 1, nasa 81,142 na ang nakapagparehistro para sa vaccination program ng San Juan, o katumbas ito ng 95.01% mula sa total target population na nais mabakunahan sa lungsod.

Facebook Comments