Vaccination rollout sa mga lugar sa labas ng NCR, mas palalakasin ng pamahalaan

Mas palalakasin pa ng pamahalaan ang COVID-19 vaccination at pagbibigay ng access sa anti-COVID-19 medicines sa mga lugar sa labas ng National Capital Region (NCR).

Ito ay kasunod ng inaasahang pagtaas pa ng kaso ng COVID-19 sa bansa.

Ayon kay acting Presidential Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles, palalakasin nila ang Prevent, Detect, Isolation, Treat, Reintegration (PDITR) strategy sa labas ng NCR.


Aniya, mayroon din tayong dalawang antiviral medicine na panlaban sa virus kabilang ang bexovid at molnupiravir.

“Well, two things ‘no. Number one, we really have to ramp-up. We really have to ramp-up ang vaccination rates natin, NCR+ and outside NCR+. And number two, we have new weapons right now in our arsenal and that is the anti-viral medicines which is why ang magandang balita, ang FDA has already approved iyong Bexovid and then of course iyong Molnupiravir has already been approved by the FDA and there are other anti-viral drugs also in our arsenal that would help decrease the probability of mild and moderate cases of COVID going into severe and critical,” ani Nograles

Inaasahan naman ng pamahalaan na magiging fully vaccinated ang 77 milyong Pilipino laban sa COVID-19 bago matapos ang Marso at 90 milyong Pilipino naman bago matapos ang Hunyo ngayong taon.

Facebook Comments