DOH, maglalabas ng COVID-19 home care kit

50

Maglulunsad ang Department of Health (DOH) ng kanilang sariling COVID-19 home care kit.

Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, maglalaman ang “Kalinga Kit” ng limang pirasong anti-virus masks, alcohol, thermometer, paracetamol, at lagundi.

Aniya, nakikipag-ugnayan na ang DOH sa mga kampanyang para tulungan sila.


Nauna nang naglunsad ang Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ng kanilang COVID isolation package na nagkakahalaga ng P6,000.

Samantala, patuloy naman ang panghihikayat ni Duque sa publiko na magpabakuna na laban sa COVID para magkaroon ng proteksyon sa virus.

Facebook Comments