Vaccination sa harap ng pandemya, posibleng isama sa isinusulong na Coco Levy Fund Law, ayon sa PCA

Posibleng maisama sa isinusulong na bagong Coco Levy Fund Law ang bakuna o mga health benefits para sa mga nasa industriya ng pagniniyog sa harap ng pandemya.

Sa virtual presser sa DA, sinabi ni Philippine Coconut Authority Administrator Benjamin Madrigal na sa ngayon ay nakikipag-konsultasyon sila sa lahat ng mga stakeholders.

Maari aniyang maisama sa binabalangkas na social protection program ang mga benepisyong medikal para sa pamilya ng nasa industriya ng pagniniyog.


Sinabi ni Madrigal na maliban sa scholarship, maaring palawakin din ang health component nito.

Priyoridad sa ilalim ng bagong batas ang pagpapalakas sa produktibidad ng mga coconut farmers.

Planong i-consolidate o ilagay sa clustering ang malalawak na lupang taniman ng niyog upang matiyak na makikinabang ang mga ito sa mga interbensyon at makapag-engage sa malalaking market ang mga value added na produkto sa niyog.

Ani Madrigal, batay sa pagtaya, abot sa 2.5-M ang registered farmers na direktang makikinabang sa Ph70-B trust fund.

Facebook Comments