Pansamantala munang itinigil ng Navotas City ang vaccination sa A4 category.
Ito ay dahil wala nang bakuna ang lungsod para sa first dose maliban sa Sputnik V.
Dahil dito ay ipagpapaliban muna ang pagbabakuna sa mga essential workers hanggang sa magkaroon muli ng suplay ng bakuna.
Ipinaliwanag naman ng lokal na pamahalaan na hindi pwedeng ibakuna ang Sputnik V sa A4 dahil ang bakunang ito ay donasyon ng COVAX facility kung saan requirement na gamitin lamang ito sa mga A1 hanggang A3 category.
Samantala, tuloy naman ang mga naka-schedule para sa kanilang second dose ng Sinovac at Pfizer sa mga venue kung saan natanggap ang first dose ng nasabing mga bakuna.
Facebook Comments