Vaccination sites sa NCR, dinagsa ng mga essential worker na nais magpabakuna kontra COVID-19

Umarangkada na rin ngayong araw ang first dose vaccination para sa A4 Priority Group ng iba pang local government units (LGUs) sa Metro Manila.

Sa Maynila, mahaba na ang pila ng mga essential workers na nais magpabakuna sa apat na mall na ginawang vaccination sites sa lungsod.

Tig-750 doses ng COVID-19 vaccines ang inilaan ng LGU sa Lucky China Town, SM Manila, SM San Lazaro at Robinsons Place Manila.


Sa Maria Clara High School naman isinagawa ng Caloocan-LGU ang unang araw ng pagbabakuna nito para sa nasa A4 category.

Nasa 3,000 economic frontliners naman ang inisyal na bilang na target mabakunahan sa FilOil Flying V Arena at Greenhills Theater Mall sa lungsod ng San Juan.

Kahapon, nang ilunsad sa Pasay City ang symbolic COVID-19 vaccination para sa A4 category.

Facebook Comments