Bagamat nasa alert level 1 na ang status ng Isabela, ay mahigpit pa ring iniimplimenta ang mga proseso sa terminal o sakayan ng mga commuters gaya sa fourlanes na kung saan bago makasakay ang pasahero ay hahanapan muna ito ng vaccination card at magrerehistro sa logbook ganun din sa mga bumababang pasahero.
Bukod sa vaccination card ay hinahanapan din ng ID ang pasahero bilang patunay na pagmamay-ari nito ang dalang vax card.
Bago rin makasakay ang isang pasahero ay kailangan muna nitong pumirma sa form para sa contact tracing.
Mayroon namang nakatoka na nakabantay para sa pagpapatupad ng naturang patakaran para matiyak na lahat ng mga mananakay ay sumusunod sa protocols.
Hindi naman basta-basta pwedeng magbaba ng pasahero ang bus o van sa anumang lugar sa Santiago City dahil sa Fourlanes lamang pwedeng magbaba ng mga pasahero at doon din pwedeng magsakay.