Tinatanggap na ng mga bansang miyembro ng European Union ang vaccine certificate na iniisyu ng Pilipinas.
Ito ang kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) kung saan kinikilala at tinatanggap na ng European Union Digital Covid-19 Certificate (EU DCC) ang VaxCertPH.
Dahil sa pagkakasama ng VaxCertPH sa EU DCC system, kikilalanin na ang vaccine certificate sa 94 na bansa at teritoryo sa mundo.
Dagdag pa rito, makakaasa rin naman ang mga may hawak ng EU DCC na tatanggapin din ang kanilang certificate sa mga port of entry dito sa Pilipinas.
Facebook Comments