Mariing pinabulaanan ni Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez Jr. ang isang report na nagsasabing walang malawak na access sa COVID-19 vaccines ang mga developing countries hanggang 2023.
Batay sa pag-aaral ng Economist Group, ang COVID-19 vaccination programs sa China at India ay magtatagal hanggang 2022 dahil sa kanilang populasyon.
Higit 85 mahihirap na bansa ang mawawalan ng access sa bakuna bago ang 2023.
Sa ulat, karamihan sa mga bansa sa Africa ay malabong magkaroon ng vaccination coverage hanggang sa 2023 habang ang ilang bansa sa Asya ay magkakaroon lamang ng access sa bakuna sa katapusan ng 2022.
Ayon kay Galvez, karamihan sa mga isinagawang negosasyon ng pamahalaan, inaasahang darating ang mga bakuna ngayong taon.
Naniniwala si Galvez na ang production ng ibang bakuna ay tataas kapag nakakuha ang mga manufacturers ng emergency use authorization (EUA).
Higit 1 million doses ng COVID-19 vaccines ang inaasahang darating sa Pilipinas ay gagamitin ito sa vaccination rollout sa Pebrero.
Karamihan sa mga bakuna ay mula AstraZeneca, Pfizer at Sinovac.
Ang negosasyon sa pito pang vaccine manufacturers ay nagpapatuloy.