Vaccine czar Galvez, kinumpirmang nakikipag-negosasyon na para sa posibleng pagbili ng booster shots

Tiniyak ni National Task Force Against COVID-19 Chief Implementer at Vaccine Czar Carlito Galvez Jr. na may nakalaang pondo ang pamahalaan sakaling kailanganing bumili ng bakuna para sa booster shot.

Pero ayon kay Galvez, hindi pa prayoridad sa ngayon ng gobyerno ang booster shot lalo’t marami pa ang hindi nakakatangap ng una at ikalawang dose ng COVID-19 vaccine.

Gayunman, aminado ang kalihim na may nagaganap na ring negosasyon para sakali mang irekomenda ng World Health Organization ay hindi mapapag-iwanan ang bansa.


“Most likely ang booster, nakikita natin bibili tayo niyan mga next year pa ho, pero nagkakaroon na tayo ng certain negotiation para hindi tayo mahuli just in case it could be recommended by WHO meron na po tayong mabibili… may connections naman po tayo sa mga manufacturer na nagde-develop ng booster,” ani Galvez sa interview ng RMN Manila.

“Pero sa ngayon, concentrate na muna tayo sa ating vaccine kasi based on our vaccine expert panel, kayang-kaya namang labanan basta nag-second dose po, ang lahat ng variant,” dagdag niya.

Facebook Comments