Nanindigan ang OCTA Research Group na ang desisyon pa rin ng pamahalaan ang masusunod sa usapin ng vaccine deployment.
Reaksyon ito ni Prof. Ranjit Rye kasunod na rin ng naging pahayag kamakailan ni Iloilo Mayor Geronimo Treñas na dahil sinunod ng national government ang rekomendasyon ng OCTA Research Group na ilaan ang majority ng COVID-19 vaccines sa NCR Plus kung kaya’t nagkaroon ng pagtaas ng kaso sa mga probinsya.
Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni Prof. Rye na isa lamang ang OCTA sa nagbibigay ng rekomendasyon sa IATF at marami pa itong kinokonsultang mga eksperto bago maglabas ng desisyon.
Ayon kay Rye, parte ng strategic plan ng pamahalaan ang pagtutuon ng pansin sa NCR Plus dahil nandito ang sentro ng ekonomiya.
Paliwanag pa nito, kapag bumaba ang kaso sa NCR Plus, lumuwag ang mga ospital at sumiglang muli ang ekonomiya ay hindi lamang ang Metro Manila ang magbebenepisyo kundi maging ang buong bansa.