Vaccine Expert Panel, inirekomenda na sa FDA ang paggamit ng booster shot tatlong buwan matapos matanggap ang primary dose

Inirekomenda ng Vaccine Expert Panel (VEP) sa Food and Drug Administration (FDA) na payagan ang pagtanggap ng booster shot, tatlong buwan matapos matanggap ang primary doses ng bakuna kontra COVID-19.

Kasunod ito ng pagpositibo sa Omicron variant ng COVID-19 ng isang Returning Overseas Filipino (ROFs) mula sa Japan at isang Nigerian national.

Ayon kay Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III, nakausap niya na si VEP Head Dr. Nina Gloriani hinggil dito.


Umaasa naman ang kalihim na agad itong maaaprubahan at maipapatupad ngayong linggo.

Una nang sinabi ni Health Usec. Maria Rosario Vergeire na nahanap na ang pito sa walong contacts ng dalawang kaso kung saan nagnegatibo ang mga ito sa COVID-19.

Maganda naman ang lagay ng dalawang nagpositibo at wala nang sintomas ng virus.

As of December 15, 42.6 milyong indibidwal na ang fully vaccinated sa bansa kung saan 55.6 million ang nakatanggap ng unang dose.

Facebook Comments