Vaccine hesitancy sa Mindanao, ikinabahala ni Pangulong Duterte

Nababahala si Pangulong Rodrigo Duterte na ilang komunidad sa Mindanao ang ayaw magpabakuna kontra COVID-19 dahil sa kanilang paniniwala.

Sa Talk to the People ng pangulo kagabi, sinabi nito na ilang Muslim community sa Mindanao ang ayaw magpabakuna dahil maaaring hindi umano sila pinapayagan.

Inihalimbawa ng pangulo ang ulat tungkol sa ilang pasahero na tausug na na-stranded sa pantalan dahil hindi pa sila bakunado.


Kasunod nito, sinabi naman ni Transportation Secretary Arthur Tugade na nakauwi na ang mga na-stranded na indibidwal matapos magnegatibo sa antigen tests.

Iginiit din ni Tugade ang kahalagahan ng pagtatayo ng on-site vaccination sa mga terminal upang mabigyan ng pagkakataon ang mga unvaccinated na magpabakuna.

Facebook Comments