Vaccine passports, dapat libreng ibigay sa mga Pilipino

Iginiit ni Senator Grace Poe sa Department of Health (DOH) na ibigay nang libre ang standard vaccine certificate o vaccine passport na magsisilbing record at katibayan na nabigyan na ang isang Pilipino ng COVID-19 vaccine at iba pang bakuna.

Dahil dito, inihain ni Poe ang Senate Bill No. 1994 o ang “Vaccine Passport Act,” na nagbibigay otorisasyon sa DOH para mag-isyu ng libreng passport sa lahat ng Pilipino.

Naglalaman ito ng basic personal informartion, uri ng bakuna at petsa kung kailan ito nakuha at sino o anong institusyon ang nagbakuna.


Ayon kay Poe, napakaimportante ng vaccine passport lalo na sa mga kababayan nating naghahanap ng trabaho kasama na ang mga Overseas Filipino Workers.

Sa kabila ng kahalagahan ng vaccine passport ay hiniling ni Poe na huwag nang pagastusin pa ang mga Pilipino ngayong bawat piso ay napakahalaga sa kanila dahil sa hirap ng buhay na hatid ng pandemya.

Facebook Comments