Vaccine policy ng Saudi Arabia, hindi kasama ang mga OFWs – DOLE

“Kung ayaw niyo yung aming OFWs, eh ‘di huwag.”

Ito ang inisyal na naging reaksyon ni Labor Secretary Silvestre Bello III sa mga ulat na ang Kingdom of Saudi Arabia ay magpapatupad ng vaccine preferences sa inbound foreigners kung saan kasama ang mga overseas Filipino workers (OFWs).

Pero sinabi ni Bello na nakatanggap siya ng paglilinaw mula kay Fidel Macauyag, ang Philippine Labor Attache sa Riyadh.


Ang bagong vaccine policy ng KSA ay sakop lamang ang mga foreign travelers at hindi ang mga OFWs.

Tingin ng kalihim na napansin siguro ng KSA na wala masyadong sobrang bakuna ang bansa kaya kailangan nilang tanggapin ang mga OFWs na naturukan ng bakunang mayroon ang Pilipinas.

Una nang sinabi ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) na ang KSA ang top destination para sa mga OFWs.

Facebook Comments