Pabibilisin pa ng pamahalaan ang COVID-19 vaccination efforts para ligtas na mabuksan ang ekonomiya na magreresulta ng paglikha ng mas maraming trabaho sa bansa.
Ito ang sagot ng Malacañang sa ulat ng Philippine Statistics Authority (PSA) na tumaas sa 8.7% ang unemployment rate nitong Abril mula sa 7.1% noong Marso, katumbas ang nasa 4.14 milyong Pilipinong walang trabaho.
Ayon kay Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque, ang mga istratehiya ng pamahalaan ay ang ligtas na pagbubukas ng ekonomiya habang sinusunod ang health protocols, pagpapatupad ng recovery package, at maayos na vaccination program.
Tiwala si Roque na mas makakabangon ang ekonomiya kapag marami na ang nabakunahan laban sa COVID-19.
Facebook Comments