Vaccine trials ng Sinovac sa bansa, posibleng hindi na matuloy – DOST

Posibleng hindi na ituloy ng Chinese pharmaceutical company na Sinovac Biotech ang kanilang vaccine clinical trials sa bansa.

Ayon kay Department of Science and Technology (DOST) Secretary Fortunato Dela Peña, binawi ng Sinovac ang plano nitong magsagawa ng Phase 3 clinical trial sa Pilipinas matapos mag-‘inactivate’ ang kanilang SARS-CoV-2 Vero Cell.

Ang CoronaVac aniya ay nabigyan na ng emergency use authorization (EUA) ng Food and Drug Administration (FDA).


“Yung Sinovac kasi nung naaprubahan ang EUA nila, tinigil nila ang pagpursue ng clinical trials. Although nakikipag-usap pa rin sa possibility (of conducting the trials)…baka hindi na sila tumuloy kung kasama ng WHO ang Sinovac sa clinical trials, most likely hindi na sila magcli-clinical trials dito,” sabi ni Dela Peña.

Bukod dito, sinabi ni Dela Peña na ang Belgium-based Janssen Pharmaceuticals ay nakumpleto na ang actual trials at inaasahang makakapagsimula na para sa data analaysis.

Ang Clover Biopharmaceuticals ng China ay nagpapatuloy sa recruitment ng participants at actual vaccination trials.

Tatlong vaccine developers pa lamang ang nabigyan ng go signal para magsagawa ng Phase 3 Clinical trials sa Pilipinas: ang Clover; Sinovac; at Janssen.

Facebook Comments