Valdez, itinanghal bilang kauna-unahang Player of the Week ng Philips Gold – PVL press corps

40

Manila, Philippines – Itinanghal bilang kauna-unahang Player of the Week ng Philips Gold – PVL press corps si three-time UUAP MVP Alyssa Valdez.

Ito’y matapos niyang pangunahan ang panalo ng Creamline Cool Smashers kontra Pocari Sweat Lady Warriors noong Sabado sa iskor na 4-0.

Si Valdez ay kasalukuyang naglalaro bilang team captain ng Creamline sa premier volleyball league.

Nanguna rin sa league scoring si Valdez na nakapagtala ng 108 points.

Nagpasalamat naman si Valdez sa tulong ng kanyang mga teammate at dati ring kasamahan sa Ateneo na sina Jia Morado, Rose Vargas at Ging Balse.

Facebook Comments