Valentine’s Day ng mga Empleyado ng LGU Cauayan, Gagawing Makulay

70

Cauayan City, Isabela – Bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng Valentine’s Day, nagpalabas ng isang memorandum ang lungsod ng Cauayan para sa mga empleyado nito ngayong darating na araw ng mga puso.

Nakasaad sa nasabing memorandum na nilagdaan ni City Mayor Bernard Faustino Dy, pinapayagan ang lahat ng empleyado ng LGU Cauayan na magsuot ng civilian clothes subalit kailangang sumunod sa color code na espesyal na ginawa para sa araw ng mga puso.

Ang kulay ng damit na isusot ng mga empleyado ay dapat umanong naaayon sa kanilang relationship status.

Nakasulat din sa ipinalabas na memo na “Kill Joy” ang sinumang empleyado ng LGU Cauayan na magsusuot ng kanilang office uniform sa nasabing araw.

Gayunpaman, pinaaalalahanan na mahigpit pa ring ipinatutupad ang pagsusot ng I.D. at mariing oobserbahan pa rin ang tamang pananamit ng mga empleyado sa pagdiriwang ng araw ng mga puso.

Facebook Comments